PatrolPH

Jed Madela, nabiktima ng kakulitan ni Eric Nicolas

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2020 12:59 PM

MAYNILA -- Napagtripan ng TV host at stand-up comedian na si Eric Nicolas si Jed Madela habang nasa supermarket.

Naka-face mask si Eric kaya hindi agad nakilala ni Jed nang magpanggap ito na isang regular na mamimili at tagahanga.

Kunwaring binangga pa ni Eric ang cart nina Jed. Pagkatapos ay saka humiling si Eric kay Jed kung maari ba silang magpa-picture.
 
Huli na nang malaman ni Jed na si Eric pala ito.

Narito ang nakakatuwang pangungulit ni Eric kay Jed:

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by eric nicolas (@ericnicolas_21) on

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.