PatrolPH

Karina Bautista at Aljon Mendoza, inspirasyon ang LizQuen, KathNiel

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2020 11:22 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA -- Kapwa sumikat sina Karina Bautista at Aljon Mendoza sa "Pinoy Big Brother: Otso" bilang mga housemate ni Kuya.

Ngayon isa na sila sa promising tandems na napapansin at nabibigyan ng assignments.

Naibahagi rin nina Aljon at Karina ang iniidolo nilang love teams.

"Siguro inspiration KathNiel, sobrang bow down ako, sobrang bilib ako sa acting nila," ani Aljon.

"KathNiel at LizQuen. 'Yung LizQuen naman it's very genuine kasi. Sobrang cute lang nila together. Noon pa nahuhuli ako na nagpo-post ng LizQuen stuff on my Facebook, so I'm a fan of them," ani Karina.

Sinagot din ng dalawa kung may pressure ba sa kanila na mag-level up ang kanilang relasyon bilang magkaibigan para mas kiligin at maging kapani-paniwala ang kanilang tandem.

"Para sa akin as long as good 'yung relationship and communication niyo at willing kayo mag-work together hindi naman kailangang maging 'real' kayo basta solid ang samahan niyo," ani Aljon.

"Siguro ang definition din ng 'real' is the friendship din ba, the ability to work together, it's a choice naman kasi," ani Karina.

Napapanood sina Karina at Aljon sa teleseryeng "Sandugo" at sa "Ampalaya Chronicles" sa iWant.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.