PatrolPH

Angeline Quinto, hangad na rin ang magkaroon ng karelasyon

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2020 11:35 AM | Updated as of Mar 12 2020 11:43 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA -- Dahil magkakasunod ang development sa love life nina Sarah Geronimo at KZ Tandingan, naitanong sa malapit nilang kaibigan na si Angeline Quinto, kung kailan na ba ito magkakaroon ng inspirasyon.

Aminado si Angeline na sana ay magkaroon na rin siya ng makaka-partner.

"Naiingit ako kasi siyempre halos lahat ng mga kasama ko, si KZ kailan lang din... at si Sarah din. Ang dami rin pong nagtatanong sa akin na 'Angge, kailan ka ba?' So katulad po nang palagi kong sinasagot, pinagpi-pray ko naman," ani Angeline.

Hindi inaasahan na sa interview kay Angeline, timing na dumating at yumakap sa kanya si Ian Veneracion na kailan lang ay laman ng balita dahil sa pagiging mabuti nitong ama sa kanyang anak.

"Ay Sir Ian! Ito ang hinahanap ko talaga, gusto niyong malaman ito talaga na 'yon. Na-stressed ako roon, hindi ako ready. Bakla kung ganun ba naman chu-choosy ka pa," birong hirit ni Angeline.

Hoping ang fans ni Angeline na makakita na siya ng inspirasyon na matagal na ring hanap ng singer.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.