PANOORIN: Lily, 'nabaril' ni Cardo sa 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2021 01:55 PM

MAYNILA -- Matinding bakbakan ang nangyari sa sikat na serye ng ABS-CBN na "FPJ's Ang Probinsyano" nitong Miyerkoles. 

Nauwi sa enkuwentro ang paghaharap ng grupo ni Cardo Dalisay (Coco Martin) at mga tauhan ng kalaban nitong sina Arturo Padua (Tirso Cruz III) at Lily Cortez (Lorna Tolentino).

Naganap ang labanan matapos na magkausap nina Cardo at Padua na magpalitan ng kani-kanilang mga bihag. Hawak ng grupo ni Cardo ang anak ni Padua na si Clarice (Rhen Escaňo), samantalang bihag ng grupo nina Padua at Lily sina Diana (Angel Aquino) at Teddy (Joel Torre).

Sa pagnanais na mapatay si Cardo ay nagpadala ng marami pang tauhan si Lily.

Naging matagumpay naman sina Cardo at ang grupo niya na mailigtas sina Teddy at Diana.

Sa huli, dahil halos maubos na ng grupo ni Cardo ang mga kalaban ay nagdesisyon si Lily na habulin at siya na mismo ang pumatay sa bida. 

Sa pagbaril ni Lily kay Cardo ay si Clarice ang nakasalo nito. Nagawa namang mabaril ni Cardo si Lily nang patakas na ito.

Mapapaood ang "FPJ's Ang Probinsyano" sa Kapamilya Channel, Cinemo, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.

Narito ang naging mainit na bakbakan sa pagitan ng grupo nina Cardo, Padua at Lily.

Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC