Tawag ng Tanghalan champ Elaine Duran, nais maglabas ng mga gawa niyang awit

ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2020 12:30 PM | Updated as of Mar 11 2020 03:41 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Pangarap ng Tawag ng Tanghalan Season 3 grand champion na si Elaine Duran ang makapaglabas ng mga awitin na siya mismo ang nagsulat.

"As an artist, gusto ko ring mag-release ng own compositions ko at maibahagi ito sa madlang pipol," ani Elaine sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles kung saan ipinagdiwang niya ang kanyang kaarawan.

"Kasi if ever na makita nila 'yung mga gawa ko... parang naibahagi ko rin kung sino ako as a person, " dagdag niya.

Setyembre noong nakaraang taon nang magwagi si Elaine bilang bagong kampeon ng Tawag ng Tanghalan sa "It's Showtime."

Mula noon ay naging abala na si Elaine sa trabaho. Dahil ang pamilya niya ay nasa Butuan, aminado si Elaine na hindi madali ang mag-isa sa Maynila pero nakakayanan niya ito dahil sa lakas ng kanyang paniniwala sa Diyos at pagmamahal sa kanyang pamilya at mga tagahanga.

"Ako as a person 'di naman ako sa strong talaga. Ang dali kong masaktan, very sensitive ako. Pero nung nandito na ako sa moment na ito, naisip ko na kung mananatili akong ganun ay maapektuhan at maapektuhan ako. And, of course, nandiyan ang pamilya ko at second family ko which is the Elainatics. So every time na napapagod ako, napi-pressure ako, sila nga na 'di ko sila kaanu-ano ay hindi sila napapagod magmahal, so gagawin ko rin ang trabaho ko," ani Elaine.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.