Bakit makabuluhan kay Moira dela Torre ang ‘Mulan’ theme song?

ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2020 04:54 PM | Updated as of Mar 11 2020 07:22 PM

Si Moira dela Torre ang napili para kantahin ang “Reflection” para sa local release ng live action version ng Disney film na “Mulan.” ABS-CBN News

MAYNILA — Mistulang pangarap na natupad para kay Moira Dela Torre ang mapiling kumanta ng theme song ng Disney movie na “Mulan” na “Reflection,” lalo at espesyal daw ang papel ng kanta sa kaniyang pagiging mang-aawit.

Ibinunyag ng Disney noong Martes na si Dela Torre ang aawit ng “Reflection” para sa local release ng live action version ng movie, na unang lumabas bilang animated film noong 1998.

“It really felt like a full circle because ‘Reflection’ is the first song I ever had to learn in full because I had to sing it for a special number for our church’s second anniversary,” kuwento ni Dela Torre.

“It was basically what opened the door for me to start loving music,” aniya.

Watch more in iWantTFC

Bagaman 5 taong gulang si Dela Torre noong una niyang natutunang kantahin ang “Reflection,” ngayon ay mas nakaka-relate na raw siya nang husto sa mensahe ng kanta.

“It talks about being brave and you cannot say you’re brave if you’re never scared. A lot of times, I feel terrified but like Mulan, it’s going past your fears, past the imperfections you see in the mirror and fighting anyway,” anang mang-aawit.

Si Lea Salonga ang umawit ng “Reflection” para sa 1998 animated film. Noong parehong taon, nag-record din si Christina Aguilera ng bersiyon ng kanta.

Mapapakinggan ang bersiyon ni Dela Torre ng “Reflection” sa Marso 20 sa mga digital platform. Ipalalabas naman sa bansa ang bagong “Mulan” simula Marso 25.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.