PatrolPH

Katrina Velarde, ipinasilip ang pagsailalim sa cosmetic surgery

ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2021 06:00 PM

MAYNILA -- Walang planong ilihim ng mang-aawit na si Katrina Velarde na sumailalim muli siya sa isang cosmetic procedure matapos ilabas ang isang larawan niya sa operating room. 

Sa kaniyang Facebook page, nagbiro pa ang singer na hindi na lamang siya “road to robot” ngunit “ganap na robot” na talaga. 

Nagpasalamat din ang mang-aawit sa kaniyang doktora na nagsagawa ng procedure. Inilabas ni Velarde ang larawan noong Marso 6.

 

Sa kasunod na araw, naglabas ulit ng larawan si Velarde na makikitang nakatakip pa ang ilong dahil sa dinaanang procedure. 

 

Mapapansin din sa mga iba pa nitong inilabas na litrato na tila may kaunti pang pamamaga sa mukha ng singer na maaaring dahil sa dinaanang operasyon. 

Minsan nang inamin ni Velarde na nagpaayos siya ng ilong. Sa kaniyang naging major concert noong 2019, ipinakilala pa mismo nito sa audience ang doktor na nag-retoke sa kaniya. 

Related video:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.