PatrolPH

'Dirty Linen': Leona, may sariling 'sabungan' ba?

ABS-CBN News

Posted at Mar 09 2023 03:58 PM

Si Leona (Janice de Belen) sa 'Dirty Linen.' Screenshot mula sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.
Si Leona (Janice de Belen) sa 'Dirty Linen.' Screenshot mula sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

MAYNILA – Mukhang nagsasarili si Leona (Janice de Belen) at may ibang pinagkakakitaan labas sa mga ganap ng mga Fiero sa latest episode ng "Dirty Linen" nitong Miyerkoles.

Sa episode na pinamagatang "The Lioness Den," nabunyag na tao naman ang pinagsasabong niya sa kanyang sariling negosyo.

Hinala pa rin ni Carlos (John Arcilla) na nakikiapid si Leona kay Hector (Ping Medina) at hinahayaan niyang ganito ang nangyayari.

Pina-raid ni Carlos ang pasugalan ni Hector at pinag-initan si Leona.

Napilitan si Leona na isama ang mga bata ni Hector sa kanyang "lioness den."

Dito makikita si Leona na nangunguna sa naturang "lioness den" at nag-aabot ng mga papremyo ng mga kalahok. 

Tila hindi na magiging sikreto ang lahat matapos sundan ni Aidan (Zanjoe Marudo) ang kanyang ina. 

Maliban sa Kapamilya Online Live, ang free livestreaming service ng ABS-CBN, mapapanood ang "Dirty Linen" weeknights sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, iWantTFC, at TFC.

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.