Kuh Ledesma, bibida sa isang concert

ABS-CBN News

Posted at Mar 09 2018 01:37 PM | Updated as of Nov 10 2018 04:19 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Isang concert muli ang pagbibidahan ni Kuh Ledesma.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Biyernes, ibinahagi ni Kuh na magaganap ang kanyang concert na "The 2nd KUHL Event" sa Marso 16 sa CCF Main Tiendesitas.

"Kaya 'KUHL' ito kasi maraming cool things that will happen in the show," aniya.

Makakasama ni Kuh sa kanyang concert ang ilang mga mang-aawit tulad na lamang ni "Tawag ng Tanghalan" judge Ogie Alcasid at Kapamilya heartthrob Piolo Pascual.

"So come, it's going to be a wonderful evening. Next Friday na, come early," aniya.

Para naman sa mga manonood ng "UKG," inawit ni Kuh ang kanyang pinasikat na "How Did You Know."