Bakit nga ba memorable ang naging Japan trip ni Angel Locsin?

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Mar 09 2018 12:47 PM | Updated as of Mar 09 2018 03:23 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

 
Masayang nagkuwento si Angel Locsin ng nakaraan niyang pagbabakasyon sa Japan kasama ang kanyang boyfriend na si Neil Arce at ang kanyang staff na araw-araw niyang kasama.

Ito raw ang kanyang pasasalamat sa mga tao na palaging nag-aalaga sa kanya.
 
"Sobrang enjoy, kasama ko ang team ko. It's about time na ako naman ang mag-alaga sa kanila doon kasi ilang years na nila ako inaalagaan. Sobrang happy, malamig," ani Angel.

Dugtong pa ni Angel, sulit ang bakasyon pero kailangan nang balikan ang showbiz career sa Pilipinas.
 
"Medyo bitin. Sana mahaba-haba ang time. Pero kailangang bumalik na dahil may 'PGT,'" ani Angel.

Trivia pa ni Angel, ito ang una nilang out of the country trip ni Neil bilang magkarelasyon.

"May mga travels na kami, nag-New Zealand na kami kasama sina Anne. Nakapag-Hong Kong na, ganoon. Pero 'yung officially together, ito ang first time," ani Angel.
 
Tutok ngayon si Angel bilang isa sa mga judge ng "Pilipinas Got Talent."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.