MANILA -- Nagbalik-tanaw sina Lyca Gairanod, Janine Berdin at Angela Ken sa mga hindi magagandang puna sa kanila noong sila ay mas bata.
Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, nagbigay reaksiyon ang tatlong mang-aawit sa dati nilang mga retrato.
"Ako po talaga before entering the industry, I really didn't think about my face po. Parang sobrang wala po akong pakialam sa face ko. Confident ako kasi parang feeling ko matalino ako o kumakanta ako, 'yun lang po ang iniisip ko. And then only when I get older na na-conscious na po ako sa itsura ko. Pero I am proud of this girl, I love her," ani Berdin habang yakap-yakap ang dating retrato.
Kuwento naman ni Ken, biktima rin siya ng bullying noong siya'y bata pa dahil may kahabaan ang kanyang mukha at sungking mga ngipin.
"Pero same po ako kay Janine, dati po wala rin po akong insecurities sa sarili ko, siguro 'yung mga bulliles lang po dati. Pero ngayon na-realize ko na sila rin po ang reason kung bakit mas na-embrace ko ang flaws na mayroon ako, 'yung imperfection na mayroon ako kasi ibig sabihin noon may tatak sa akin," ani Ken.
Aminado naman si Gairanod na isa sa naging inseguridad niya ay kulay ng kanyang balat.
"Siyempre po kapag nabibilad ka sa araw, tapos parang nagda-dark 'yung skin mo, parang sinasabi nila 'ang pangit mo.' Tinitingnan ko sa salamin ang sarili ko na parang 'oo nga ano.' Pero dumating po ako sa point na 'ginawa ako ni mama, ginawa ako ni papa, eto ako. Alam ko kung ano ang sarili ko and I love my self.' And also proud na proud ako kung ano ang mayroon si Lyca ngayon," ani Gairanod.
Para sa tatlo malaki rin ang tulong ng mga papuri na natatanggap nila sa ibang tao para mas mapalakas at mapabuti pa ang sarili.
Nakakatulong din kina Ken at Gairanod ang kani-kanilang mga nobyo para mapalakas ang kanilang kumpiyansa.
Pamilya naman at mga kaibigan ang pinaghuhugutan ni Berdin ng lakas at kumpiyansa.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.