Daniel Padilla at Sarah G, makakasama ni Kuh Ledesma sa concert

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2019 01:03 PM | Updated as of Mar 08 2019 02:32 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Inspirational songs ang bibida sa all-star concert na pangungunahan ni Kuh Ledesma na may pamagat na "The Promise."

Makakasama ni Kuh sina Toni at Alex Gonzaga, pati na rin sina Sarah Geronimo at Daniel Padilla.

Nagbigay-patikim si Kuh sa kung ano gagawin ni Daniel sa nasabing concert.

"He's going to talk about... a short message why he reads the Bible, why he needs a savior. He goes to a Christian church," aniya.

Si Sarah G naman, aawit ng mga kanta para sa Panginoon.

Dito rin naibahagi ni Kuh ang kanyang matibay na paniniwala na nais niyang maging inspirasyon sa iba.

"Nobody's perfect. I've been a Christian and a Bible believer for 19 years, and I have to go through a lot," aniya.

Dagdag ng Pop Diva, dinaan niya sa dasal na makasama sina Sarah at Daniel na laging hectic ang schedule.
 
"'Yung discipline nila, 'yung professionalism nila, at saka mabait sila," papuri ni Kuh sa dalawa.

Mapapanood ang "The Promise" sa March 16 sa Mall of Asia Arena.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.