Paano naging malapit si Awra kay Ylona at AC?

ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2018 12:00 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Isang pagkakaibigan ang nabuo sa pagitan nina Awra Briguela, AC Bonifacio at Ylona Garcia.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Awra, ibinahagi ng tatlo kung paano sila naging malapit sa isa't isa.

"Kasi po kapag sa 'ASAP' naggi-guesting po kami, medyo nagkikita-kita rin kami ni Ylona," ani Awra na naging malapit kay AC dahil sa pagiging parte nila ng "Your Face Sounds Familiar Kids."

"Since me and Ylona we are friends din po, we will hang out. Tapos I will invite Awra rin po," dagdag ni AC.

At para sa kanyang kaarawan, ibinahagi ni Ylona at AC ang kani-kanilang mga pangako para kay Awra.

"I promise to always remember you no matter what, no matter where I go and to always keep you in my heart at all time," ani AC.

"Pangako sa iyo, I will always be true to you. I will always be there kung kailangan mo ako and I love you," ani Ylona na nagsimula ang karera sa showbiz bilang "Pinoy Big Brother" housemate.

Nagpasalamat naman si Awra sa oras na inilaan para sa kanya ng mga kaibigan.

"Super happy po kasi dito po ay parang walang masyadong problems, walang maiisip na marami. Super enjoy lang po talaga, lalo na ang makakasama mo ay sobrang masasayahin na tao," ani Awra.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.