Kim Chiu, handa na ba sa sexy at daring roles?

Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2018 11:58 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Bungisngis, hyper at full of energy si Kim Chiu noong ikuwento ang kakaiba niyang movie project.

Hahaluan niya ng comedy ang horror film na kasama ang "It's Showtime" host na si Ryan Bang.

"I can not kuwento the details but it's going to be funny, kasi alangan namang maging drama siya with Ryan Bang. So exciting. Sana matawa sila. Gusto ko kayong baliwin, takutin, patawanin," ani Kim.

Game din na nagkuwento si Kim sa reaksiyon niya sa controversial and sexy film ni Xian Lim na "Sin Island."

"Intense and adult, mature," ani Kim.

Si Kim kaya ay handa nang gumawa ng sexy and daring roles tulad ni Xian?

"Depende po 'yan sa kuwento o story o sino ang magdi-direk. Not naman siguro super na papunta na sa kakaibang type of movie. 'Yung may sense dapat. Pinagpapawisan ako sa topic na yan, medyo mainit siya ha," sagot ni Kim.

Susunod na mapapanood si Kim sa "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado kasama si Zanjoe Marudo tungkol sa kuwento ng mga sundalo na nakipaglaban sa Marawi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.