Rapper Ez Mil nag-TV debut sa ‘ASAP’

ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2021 02:57 PM | Updated as of Mar 07 2021 09:56 PM

Nagtanghal sa ‘ASAP Natin ‘To’ nitong Marso 7, 2021 si Ez Mil, ang kauna-unahang TV appearance ng Us-based Filipino rapper. Screengrab

MAYNILA – Sa kauna-unahang pagkakataon, nagtanghal sa telebisyon ngayong Linggo ang US-based Filipino rapper na si Ez Mil sa pamamagitan ng “ASAP Natin ‘To.”

Ipinamalas ni Ez Mil ang kaniyang talento sa pag-perform ng viral hit niyang “Panalo (Trap Cariñosa),” na ni-record mula Las Vegas, Nevada at eksklusibong pinalabas sa “ASAP.”

Watch more in iWantTFC

Nakilala si Ez Mil, o Ezekiel Miller, matapos mag-viral ang kaniyang performance ng “Panalo” sa Wish 107.5.

Umani ng batikos ang kanta niya dahil sa linya nitong nagsasabing ang bayaning si Lapu-Lapu ang pinugutan ng ulo sa Battle of Mactan.

Humingi na ng paumanhin si Ez Mil sa pagkakamali pero iginiit na hindi pa rin niya babaguhin ang lyrics ng kanta.

Nakatakda ring magdaos ng virtual concert sa Abril 18 si Ez Mil.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.