Edward, ipinagtanggol si Maymay laban sa bashers

ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2019 11:58 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Ipinagtanggol ni Edward Barber si Maymay Entrata laban sa bashers.

Ito ay pagkatapos na umani ng hate comments si Maymay sa social media nang lumabas ang espekulasyon na siya ang gaganap bilang si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa "Maalaala Mo Kaya."

Sinabi ni Edward na naiinis siya sa trolls pero hindi na lang niya ito pinapansin.

Dagdag pa niya, hindi dapat kuwestiyunin ang achievements ni Maymay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.