Charo Santos, excited na ipalabas ang 'Eerie' sa Pilipinas

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2019 11:19 AM | Updated as of Mar 07 2019 11:31 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Kung natupad ang pangarap ni Bea Alonzo na makasama ang award-winning actress na si Charo Santos sa isang pelikula, natuwa naman ang veteran actress na si Bea ang makakatrabaho sa proyektong ito.
 
"Nakita ko itong nagdalaga kaya talagang excited na excited ako nang sinabing si Bea ang makakasama ko," ani Charo.
 
Hindi makakalimutan ni Charo ang reaction ng audience sa Singapore nang mapanood ang "Eerie."

"Ay naku talagang sumisigaw. 'Yung iba nga na mga babae with their husbands or their partners talagang nakayakap na sa kanilang asawa," ani Charo.
 
Nagbiro pa si Charo kay Bea habang ginagawa ang kanilang pelikula at kung ano ang aasahan ng manonood.

"Ako naman ang nananakot dito, tinakot ko si Bea dito," ani Charo. 
 
Ipapalabas ang "Eerie" sa Marso 27.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.