TINGNAN: Baby ni Pokwang, nakita na ng kanyang lolo at lola

ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2018 11:47 AM

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

 

A post shared by William Lee O'Brian (@leeobrian) on


 
MANILA -- Halos dalawang buwan matapos siyang manganak, dinalaw si Pokwang at kanyang bunsong anak na si Malia Francine ng mga magulang ng kanyang nobyo na si Lee O'Brian.

Sa Instagram, ibinahagi ni Pokwang at Lee ang unang pagkikita ng kanilang anak at lolo at lola nito.

Sa isang retrato, kita rin na kasama ang ina ni Pokwang na si Gloria.

"Finally.... nagtagpo na sila Malia with lolo ang dalawang lola," ani Pokwang sa caption ng mga retrato.

Matatandaang nito lamang Enero 8 ay isinilang ni Pokwang ang baby nila ni Lee.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.