Loisa, Inigo at Joshua, nominado sa 2018 Nickelodeon Kids Choice Awards

Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2018 11:43 AM

Watch more in iWant or TFC.tv


MAYNILA -- Tatlong Kapamilya stars ang nominado bilang Favorite Pinoy Newbie sa 2018 Nickelodeon Kids' Choice Awards, at 'yan sina Joshua Garcia, Loisa Andalio at Inigo Pascual.

Flattered at hindi makapaniwala si Inigo na mapabilang sa mga nominado lalo't pinapanood niya ang Nickelodeon noon.

Back-to-back achievement naman ang nominasyon sa Nickelodeon para kay Joshua, matapos manalo sa PMPC Star Awards ng Movie Love Team of the Year kasama si Julia Barretto.

Excited din ang co-star niya sa "The Good Son" na si Loisa sa bagong achievement. 

"It's a blessing and it's something that I can say na milestone as well. It's a big thing for me maging nominee in an event like this," ani Inigo.

"Masayang-masaya ako kasi bihira lang 'yung ma-nominate and isa ako sa mga napili ng Nickelodeon," ani Joshua.

"Ang sarap sa feeling kasi 'yung mga hard work ko kasi hindi naman madali makuha 'yung ganito," ani Loisa. 

Taon-taon pinaparangalan ng Nickelodeon Kids' Choice Awards ang pinakasikat na artista sa pelikula, telebisyon at musika base sa boto ng mga manonood.

Noong 2017, kasama ang mga Kapamilya stars na sina Janella Salvador, Liza Soberano at Nadine Lustre sa mga naglaban-laban para sa title na "Favorite Pinoy Star." Si Nadine ang nag-uwi ng titulo.

Maaring bumoto sa inyong mga favorite Kapamilya stars sa Nickelodeon website.
 
Gaganapin ang awards show sa darating na Marso 26 sa California.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.