Babae patay sa pamamaril sa Davao del Sur

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2021 01:34 PM


Dead on arrival sa pagamutan ang isang 23 anyos na babae matapos barilin sa Purok 3, Barangay Dolo sa Bansalan, Davao del Sur, Biyernes ng gabi.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nakatayo lamang si Alexa Mae Monday sa gilid ng kalsada.

Nilapitan ito ng isang salarin at binaril sa tiyan.

Agad na tumakas ang salarin matapos ang pamamaril.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng salarin.

- Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.