PASILIP: Mga bituin sanib-puwersa sa music video para suportahan ang ABS-CBN

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2020 08:16 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Nagkaisa ang mga artista ng Star Magic sa isang natatanging music video para ipakita ang kanilang suporta sa Kapamilya network. 

Inspired sa hit song ni Yeng Constantino na "Hawak Kamay" ang video, kung saan itatampok ang iba't ibang henerasyon ng Kapamilya artists

Kabilang dito sina Piolo Pascual, Bea Alonzo, Jericho Rosales, Sam Milby, at Sue Ramirez. 

Ginawa ang video sa direksyon ni Johnny Manahan. 

Malapit nang mapanood sa Star Magic Youtube Channel ang nasabing video. 

Mensahe ni Joel Lamangan sa mga artista

Samantala, hinikayat ng direktor na si Joel Lamangan ang iba pang artista na ipakita ang kanilang pakikiisa sa isyu. 

"Wala akong masyadong trabaho dito, sa iba marami pero sa ganitong sitwasyon apektado tayo lahat dahil 
kalayaan natin ang nakasalalay dito!" ayon kay Lamangan sa premiere ng kaniyang bagong pelikula na "Di Tayo Pwede." 

Dati nang naging kritikal si Lamangan sa posibleng pagpaso ng prangkisa, sa pangambang maaapektuhan nito ang libo-libong hanapbuhay at ang karapatan ng mga mamamahayag. 

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.