Iñigo Pascual, nagkomento sa pagiging malapit ni Maris Racal kay Mccoy de Leon

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2020 11:39 AM

MAYNILA -- Nagbigay reaksiyon si Iñigo Pascual sa napapabalitang extra closeness ngayon nina Mccoy de Leon at dating na-link sa kanya na si Maris Racal.

Mukhang naka-move on na si Iñigo at positibo sa mga bagong ganap sa dating ka-tandem.

"Wala akong alam. Ako, kung sila, eh di I'm happy for them. There's no problem between us. We are all very civil and very professional with one another. Mccoy is one of my good friends as well. Para kay Maris, I'm happy wherever she's happy," ani Iñigo.

Ayaw munang pumasok sa isang relasyon ni Iñigo at gusto niya munang pagtuunan ng pansin ang career.

"I feel like I'm at this point in my life where I'm really just figuring out what I want to do. I mean 2019 was a good year but it definitely was a year parang nangangapa sa career, I was not really sure where was this going. I feel like 2020 I want to be able to really solidify what I want to do and take it to the next level," ani Iñigo.

Pelikula at musika ang pokus ni Iñigo sa 2020 at umaasa siya na mainit itong tanggapin ng kanyang followers.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.