Miyembro ng Mandarhyme, nag-propose sa nobya sa 'Showtime'

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2019 03:30 PM | Updated as of Mar 07 2019 07:32 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Isang marriage proposal ang naganap sa "It's Showtime" nitong Miyerkoles.

Pagkatapos ang kanilang performance para sa noontime show, live na nag-propose si Rasty, isa sa mga miyembro grupong Mandarhyme, sa nobya niya ng walang taon na si Janine na kasama rin niya sa grupo.

Napuno ng hiyawan at kakiligan ang "Showtime" studio sa proposal.

Ang Mandarhyme ang kauna-unahang HypeBest grand winner ng "It's Showtime" noong 2018. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.