Leila Alcasid hands-on sa kanyang unang music video

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2018 12:05 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Madetalye at hands-on ang anak ni Ogie Alcasid na si Leila Alcasid sa shoot ng una niyang music video para sa first single na “Completely in Love” mula sa Star Music.

Ayon sa anak ni Ogie, totoo niyang personalidad ang mararandaman sa music video na akma naman sa kuwento ng kanta.

“The concept is relaxed lang, very dorky, very me in my room. Because there’s a line in the song na I‘m trying to distract myself or trying to pretend I’m not completely in love,” sabi ni Leila.

Busog sa pangaral si Leila mula sa ama na tumatayo rin bilang business manager niya. Proud si Ogie sa passion na nakikita sa anak sa pagpe-perform.

“He just told me to be myself, be very natural. He’s proud that I put a lot of thought and effort into this on my own considering I haven’t done this before. It’s very new for me,” ani Leila.

“Excited ako for her that’s why I came here. Umalis kami ng bahay ng maaga. I’m happy that she’s taking control of the entire process,” sambit ni Ogie.

At kung love ang tema ng music video, mas pinili naman ni Leila na solo muna siya at walang leading man.

“Siguro in the future, may partner na,” sabi ni Leila.

Available na ngayon sa Spotify, iTunes at Amazon ang “Completely in Love” single ni Leila. -- Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.