PatrolPH

Marcelito Pomoy, binash sa kasagsagan ng 'AGT: The Champions'

ABS-CBN News

Posted at Mar 05 2020 11:16 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA -- Matinding pamba-bash ang natanggap ni Marcelito Pomoy noong kasagsagan ng "America's Got Talent: The Champions."

Ito ang ibinunyag ng asawa ni Marcelito na si Joan.

Inakusahan umano ng ilang netizens si Marcelito na pinipeke niya ang kanyang sakit para gawing dahilan kung bakit hindi siya nanalo.

Matatandaang muntik nang hindi makapagtanghal si Marcelito sa semifinals dahil nanikip ang kanyang dibdib.

Buwelta ng asawa, bakit naman sila gagawa ng kuwento.

Noong panahon na matindi ang batikos kay Marcelito, gusto na sana niyang ilabas ang palitan nila ng staff ng programa para patunayan ang kondisyon ni Marcelito pero pinigilan lang niya ang sarili.

Sa kabila nito ay naging matagumpay pa rin ang journey ni Mercelito na nagtapos bilng third runner-up sa "America’s Got Talent: The Champions" noong Pebrero.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.