MNL48, excited na sa kanilang first major concert

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Mar 05 2019 12:22 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Sinalubong ng fans sa ticket booth ng Araneta Coliseum ang members ng MNL48.

Malayo na ang narating ng grupo mula nang isa-isa silang mapili sa isang search na napanood sa "Showtime."

Personal na tumulong ang MNL48 sa pagbenta ng tickets last weekend at naka-bonding ang kanilang fans.

"Feeling overwhelmed po sa mga fans at siyempre excited sa papalapit naming concert kaya super exciting po 'yung mga nangyayari ngayon," ani MNL Belle.
 
Dahil sikat at marami nang natutulungan, di napigilan ni MNL Abby na maging emotional sa kanyang pagtulong sa nangangailangan.

"Ayoko pong nakakakita ng matatanda sa kalsada... Bilang MNL48 'yun po ang gusto kong gawin, ang tulungan ang matatanda," aniya.

Aminado naman si MNL Belle na plano niyang sumali sa isang beauty pageant na epekto ng magandang halimbawa ni Miss Universe Catriona Gray.
 
"Siyempre honor po 'yun para sa akin. It is my wildest dream para i- represent ang Philippines, pero kasi ang MNL48 nare-represent na namin ang Philippines ngayon," aniya.

Magaganap ang MNL48 Living The Dream Concert sa April 6.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.