John Lloyd, ibinahagi ang 'slo-mo' video ni Ellen

ABS-CBN News

Posted at Mar 04 2018 10:28 PM | Updated as of Oct 28 2018 01:25 PM

Main star si Ellen Adarna sa isang video na ini-upload ni John Lloyd Cruz sa kaniyang Instagram account.

Sa slow-motion o pinabagal na kuha, lumingon si Adarna sa camera habang papalapit sa istasyon ang isang tren.

 

A post shared by portal (@ekomsi) on

Nag-deactivate ng Instagram account si Adarna, pero sinasabing ngayon ay ginagamit niya ang pribadong account na may handle na "@emg.a".

Ang pribadong account ang naka-tag sa comment ng hipag ni Adarna na si Kim Araneta.

Tumugon din ang naturang pribadong account sa isang comment at sinabing "very Melania Trump" ang "look" niya sa video, isang paglalarawan sa first lady ng Amerika.

Tulad sa ilang nakaraang post, nakasuot ng makapal na jacket ang usap-usapang buntis na si Adarna.

Nagtungo sa Japan si Cruz kasama si Adarna at ang kaniyang buong pamilya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.