Claudine nahulog sa hagdan matapos mawalan ng malay

ABS-CBN News

Posted at Mar 04 2018 03:20 PM | Updated as of Mar 04 2018 04:03 PM

MANILA – Napasugod sa ospital si Claudine Barretto matapos niyang maaksidente nitong Sabado.

Ayon sa kanyang Instagram post, nawalan siya ng malay dahil sa pagiging low blood, dahilan kung bakit siya nahulog sa hagdan.

“Hay naku back to the ER. Had an accident. I slipped & fell down the stairs. Super low blood my Palanggas I fainted & fell,” aniya.

Sa kabila ng nangyari, sinigurado naman ni Claudine na maayos na ang kanyang kalagayan.

Nagpasalamat naman si Claudine sa kangyang mga tagasuporta na nagdasal para sa kanya. 

“Thank you so much for all your messages & prayers. I’m so touched. I wish I could thank each & everyone of u & thank u sa comments niyo. But please know I am so grateful & feel so blessed by all of u,” aniya.

Matapos linisin ang kanyang mga sugat, ibinahagi ni Claudine na nakipagkita pa siya sa dalawa niyang kaibigan kabilang ang kapatid ng dati niyang nobyong si Rico Yan.

“God bless each & everyone of u & ur families. Thank u mga Palanggas ko. I luv u all."