PatrolPH

Isabel Oli at John Prats, nag-ala bida sa 'Crash Landing on You'

ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2020 11:32 AM | Updated as of Mar 03 2020 11:50 AM

Trending ang post ni Isabel Oli kasama ang mister na si John Prats.

Sa Instagram, in-edit ni Isabel ang isang larawan kung saan sila ni John ang mistulang bida sa South Korean series na "Crash Landing on You.”

Biro ni Isabel sa caption, “Kung napapansin ninyo sa photo na 'to, ang asawa ko si John lang ang na-PhotoShop dito. Ako talaga ang tunay na Yoon Se-ri. Please guys, pagbigyan nyo naaaa!!!”

Kinatuwaan ito ng netizens kaya’t sa kasalukuyang ay may higit 13,000 “likes” na ang naturang post. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Isabel Oli-Prats 蘇 心 心 (@isabeloliprats) on

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.