ALAMIN: Mga inaabangang concert ngayong summer

ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2018 09:56 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mainit ang concert lineup sa bansa ngayong summer. 

Kabilang sa mga aabangang concert ang pagbabalik ng girl group na Fifth Harmony sa Martes, sa kabila ng usap-usapang breakup ng grupo. 

Mainit na balita sa Hollywood ang mga solo projects ng natitirang miyembro ng girl group na sina Ally Brooke, Normani Kordei, Dinah Jane at Lauren Jauregui.

Ayon sa ilang fans, maaaring senyales na ito na malapit nang maghiwalay ang grupo. 

Una nang kumalas sa grupo ang singer na si Camilla Cabello.

Kaya para sa fans ng "Harmonizers," tsansa na nila ito para mapanood ang grupo. 

Pinaka-excited ang miyembro nilang si Dinah Jane.

"It has been a while since we've been there and I remember making the best memories there in our last tour . . . I believe Manila is like one of my favorite places so just the people in general, I just connected with them so hard," pahayag ni Dinah Jane.

Hindi lang Fifth Harmony ang babalik ng bansa, pati na rin si John Legend sa Marso 21. 

--Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.