Nadine Lustre hinikayat ang fans na pangalagaan ang mga karagatan

ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2019 03:06 PM | Updated as of Mar 03 2019 07:41 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Time-out muna muna si Nadine Lustre sa pagpo-promote ng kaniyang upcoming movie para makilahok sa isang adbokasiya na malapit sa kaniyang puso: ang pag-aalaga sa karagatan.

Nitong Sabado ay personal na inikot ni Lustre ang "Rainbow Warrior" vessel ng international environmental group na Greenpeace, na kasalukuyang nakadaong sa Maynila. 

Layon ng Rainbow Warrior na magbigay ng kamalayan sa publiko tungkol sa problema ng polusyon sa karagatan. 

Ibinahagi ni Lustre kung ano ang maaari niyang maiambag sa adbokasiya. 

"I think my biggest contribution is awareness, I know I have a lot of followers and a lot of people check my Instagram, my social media, so I can help spread awareness."

Sabi niya, siya mismo ay naging saksi kung gaano napapabayaan ang mga karagatan sa bansa. 

"I was upset kasi nasa bangka kami, ang dami kong nakikitang trash na nagfo-float lang sa water so I was so upset kasi di ko siya kayang pulutin," sabi ng aktres. 

Hihikayatin ni Lustre ang nobyong si James Reid na makilahok din sa adbokasiya para mas marami pang kabataan ang mahikayat nila na pangalagaan ang karagatan. 

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.