Donny Pangilinan, bibida sa pelikula

ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2018 12:10 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Papasukin na ni MYX VJ Donny Pangilinan ang paggawa ng pelikula.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Biyernes, ibinahagi ni Donny ang excitement na maging parte ng pelikulang "Walwal" ni Jose Javier Reyes.

"Next week pa po 'yung start ng shooting. Sobrang excited ako kasi it's a different experience for me and ang saya ng cast, ang saya ng script," ani Donny na anak nina Maricel Laxa and Anthony Pangilinan.

Makakasama ni Donny sa nasabing pelikula sina Jerome Ponce, Elmo Magalona, at Kiko Estrada.

Pero sa ngayon, abala si Donny sa pagiging VJ sa MYX na itinuturing niyang pangalawang pamilya.

"I think it really helps me na masanay sa camera, kung paano ba talaga ang pagho-host. So I'm really thankful that they gave me that opportunity," ani Donny na isa ring recording artist.

Ayon kay Donny, ang bago niyang single ay ang "Different Kind of Love" na inawit niya rin para sa mga manonood ng "UKG."