'Iba 'Yan': Ilang mga artist, ibinahagi ang adbokasiya para sa sining sa Baguio

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2021 12:04 AM

MAYNILA - Binisita ng aktres na si Angel Locsin at ng "Iba 'Yan" ang mga visual at mural artists na naka-base sa Baguio City.

Nakilala ng "Iba 'Yan" ang isang cultural advocate ng Cordillera Region na si Venazir "Vena" Martinez, na kahit hindi tubong Baguio, ay may matinding pagmamahal sa kultura ng lungsod.

Ayon kay Martinez, naisip niya ang paggamit ng street art sa pagtataguyod ng kultura ng Baguio at pag-angat ng lahat ng ethno-linguistic na mga grupo sa Cordillera, para matulungang magkaroon ng cultural awareness ang mga tao sa rehiyon.

Nakilala naman nila Angel si Maricar Docyogen, founder ng Pasa-Kalye Group of Artists. Ayon sa kay Docyogen, ang mga artists ng Pasa-Kalye ay gumuguhit o pumipinta para makalikom ng pondo para sa mga dialysis patients.

Nakilala din nila Locsin si Angelica "Angie" Rosalin, isang visual artist, na nagbahagi ng kaniyang pagpupursigi sa kaniyang pangarap bilang isang painter, kahit siya ay mayroon nang stable na trabaho.

Naikwento din sa Iba 'Yan ang karanasan ni Jherwin Libatique, isang visual artist at cultural dance performer mula Mountain Province. 

Nangako ang "Iba 'Yan" na bibili ng nasa P100,00 na halaga na mga artwork mula sa Pasa-Kalye. Bilang pasasalmat sa pangako, niregaluhan si Angel ng kaniyang sariling sketch.

Watch more in iWantTFC