Paano naging magkakaibigan sina Kisses, Ara Mina at Say Alonzo

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2018 11:55 AM | Updated as of Mar 01 2018 11:57 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- "Age is just a number."

Ito ang pinaniniwalaan ni Kisses Delavin na malapit ngayon kay Ara Mina at dating "Pinoy Big Brother" housemate na si Say Alonzo kahit na mas nakakatanda ang mga ito sa kanya.

Nag-guest ang tatlo sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes.

"It's all about 'yung tao na supportive sa iyo, 'yung sa special events ay pupunta talaga and always there for you. So I'm so thankful," ani Kisses na naging malapit kay Say mula noong magkakilala sila sa kanyang debut.

Kuwento ni Say, tagahanga na siya ni Kisses simula pa noong lumabas ito sa Bahay Ni Kuya.

"Naging fangirl na ako ng ibang housemates pero sa kanya 'yung personality, 'yung character, the way she carries herself and 'yung upbringing niya, iba. Iba ang ipinakita niya sa loob na dapat talagang tularan ng mga bata. Kailangan siya 'yung i-uplift natin," ani Say na siyang naging dahilan kung bakit rin naging magkaibigan si Kisses at Ara.

Pag-amin ni Ara, hindi niya akalain na magiging malapit sila ni Kisses na una na niyang kinagiliwan.

"Sobrang ang gaan-gaan niyang kasama. 'Yung kapag kasama mo siya wala kang iisiping problema. Parang lahat masaya, tapos naaalala mo yung pagiging bata mo dahil sa kanya," ani Ara.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.