Elisse Joson, inaming may pinagdadaanan sila ni Mccoy

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2018 12:34 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Inamin ni Elisse Joson na kamakailan lang ay naranasan niya ang muling mabaliw sa pag-ibig.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, sinabi ng aktres na parte ng kanyang kabaliwan ay ibigay ang isang bagay para lang sa pag-ibig kahit mahirap pa ito.

"Hindi ko na makuwento 'yung detalye," ani Elisse na nauugnay ngayon kay Mccoy de Leon na miyembro ng grupong Hashtags.

"Yung hindi mo na iisipin kung ano 'yung mangyayari pero gagawin mo lang. Kumbaga ibibigay mo gusto ng tao kahit na mahirap," dagdag ng aktres na iginiit na bukal naman sa kanyang kalooban ang ginawa.

"Yung mai-imagine mo na ay nagawa ko pala ito, after," ani Elisse.

Nang diretsahin kung kumusta na ang relasyon nila ni Mccoy, inamin ni Elisse na may pinagdadaanan sila ng aktor.

"Ngayon po we are learning to communicate to each other more. Parang may mahirap na pinagdadaanan pero kahit matagal 'yung proseso, ngayon pa lang po namin natutunan na maging mature sa mga bagay-bagay, na may mga priorities and along the way we will be okay. 'Yung communication sobrang importante," ani Elisse.
 
"Sa akin kasi you will learn more about each other from hardships, struggles. Sa akin hindi mahirap because may humaharang. It's because more on the two people, nasa amin 'yon. We have to learn how to overcome everything and I know it's a process," ani Elisse.

Dagdag ni Elisse, natutunan niya kailan lang din na kailangan niya munang buuin ang sarili para makapagbigay ng pagmamahal sa iba.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.