PatrolPH

Marlou Arizala nagsisisi sa mga maling ginawa bilang Xander Ford

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2023 05:50 PM

Marlou Arizala at Gena Mago. Screenshot mula sa ABS-CBN Push YouTube channel. 
Marlou Arizala at Gena Mago. Screenshot mula sa ABS-CBN Push YouTube channel. 

MAYNILA — Inamin ni Marlou Arizala na siya ay nagsisisi sa kanyang mga maling ginawa bilang si Xander Ford matapos maging isang ganap na ama sa murang edad.

Nang tanungin ng ABS-CBN Push kung ano ang biggest regret nito, sinabi ng content creator: "Nung sumikat ako as a Xander Ford, 'yun 'yung gusto kong balikan eh."

Watch more News on iWantTFC

Hiling ni Arizala na sana'y naiwasan niya ang mga maling ugali niya noon at matutong rumespeto sa kapwa. 

"Gusto kong tanggalin lahat ng mga dapat hindi ko ginagawa, immature, walang respeto, kasi hindi ako marunong magsalita ng po at opo dati eh, 'yung pagiging pasaway, tapos magastos, dati maluho ako sa sarili. 'Yun 'yung mga gustong iwasaan noon na pinagsisisihan ko," ani Arizala.

Sa ngayon, masaya si Arizala na inaalagaan ang kanyang panganay na si Xeres Isaiah kasama ang ina nitong si Gena Mago.

"Mas mahalaga na po sa akin 'yung ngayon na po. Parang wala na po sa 'kin past kasi na-resolve na po tapos napatunayan na po na hindi po totoo 'yung ginawa niya," ani Arizala.

"Kung titingnan ko pa po 'yung sasabihin ng ibang tao at iintindihin ko pa po 'yung sasabihin nila sa 'kin paano na lang po 'yung feelings ng family ko. Nag-focus po ako sa parents ko, sa wife ko, sa anak ko kasi kung iisipin ko po 'yung sinasabi ng ibang tao, mawawala ako sa focus eh."

Sa nagdaang post ni Ford sa social media, inamin nito na hindi niya alam kung ano ang gagawin dahil unang beses niyang magiging ama. 

Agosto nang nagpahaging ang viral personality na magkakaroon na siya ng bagong anghel sa kanilang buhay. 

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.