Melai nagbalik-tanaw sa kaniyang 1 dekada bilang Kapamilya

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2020 06:27 PM | Updated as of Feb 27 2020 08:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Makahulugan at nakakaaliw ang pagmarka ni Melai Cantiveros ng kaniyang isang dekadang anibersaryo bilang Kapamilya star, kung saan nagbalik-tanaw siya sa nagawang tulong ng ABS-CBN sa kaniyang buhay.

Malayo na ang narating ni Cantiveros, mula sa pagiging "mali-maling" English major ng Mindanao State University na tinanghal na big winner ng "Pinoy Big Brother: Double Up Edition" noong 2010.

"Habang buhay kong ipagpapasalamat talaga," aniya. 

Hindi rin nakakalimutan ni Cantiveros ang kaniyang pinagmulan bago ang kaniyang mala-Cinderalla na buhay. 

Watch more in iWant or TFC.tv

"Sobrang hirap talaga... Iyung ulam namin noon asin, asukal mga ganon ba. Mabusog ka lang [tapos] laro na agad. Hindi namin iniinda 'yung hirap... Ngayon 'di na asin o asukal, talagang leche flan na. With the dessert," pagbibiro ng "Magandang Buhay" host. 

Ngayon higit kailanman, makahulugan kay Cantiveros ang pakikiisa sa panahong may pinagdadanan ang Kapamilya network kaugnay sa prangkisa nito. 

"So keep the fire burning in the service of the Filipino," aniya.

— Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.