Matteo at Sarah namimili na ng mga gamit para sa kanilang tahanan

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2020 08:37 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Isang linggo mula nang ikasal sina Matteo at Sarah Geronimo-Guidicelli, tila may hangover pa rin ang lahat sa pag-iisang dibdib ng dalawa. 

Husband and wife duties na ang dalawa, na spotted na namimili ng mga kitchenware at iba pang gamit para sa kanilang lilipatang bahay. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo) on

Bagama't nagkaroon ng tensiyon, mas nangibabaw ang buhos ng pagbati para sa bagong kasal.

Binaha ng pagbati ng celebrities ang Instagram post ni Matteo noong Miyerkoles kung saan niya nilantad ang kasal nila ni Sarah. 

Nagpadala pa ng bulaklak si Charo Santos para sa bagong kasal at pinayuhang maging matatag at palaging "in love."

Ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, personal na binati at kinumusta si Sarah sa taping ng "The Voice Teens." 

Sa programa, Mrs. Guidicelli na ang introduction sa kaniya bilang coach ng show. 


—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.