Marcelito Pomoy mainit na sinalubong sa kaniyang 'homecoming' sa Quezon

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2020 05:02 PM | Updated as of Feb 28 2020 07:11 PM

Personal na inabot ng local government officials ng Calauag ang plaque na nagbibigay ng pagkilala sa naabot na tagumpay ni Marcelito Pomoy sa katatapos lang na "America's Got Talent: The Champions."

MAYNILA — Mainit ang naging pagsalubong at homecoming celebration para kay Marcelito Pomoy sa bayan ng Calauag, Quezon. 

Hindi magkanda-ugaga ang tao sa kakayakap at pa-selfie kay Pomoy nang bigyan siya ng homecoming celebration ng munisipyo ng Calauag. Ito ang hometown ng kaniyang asawa na si Joan. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Personal na inabot ng local government officials ng Calauag ang plaque na nagbibigay ng pagkilala sa naabot na tagumpay ni Pomoy sa katatapos lang na "America's Got Talent: The Champions."

"Kahit hindi ako tagadito, 'yung pagtanggap nila sa akin, parang dito ako pinanganak," ayon sa mang-aawit. 

Pagkatapos ng programa, diretso si Pomoy sa motorcade kung saan mainit siyang inabangan ng mga taga-Calauag. Namigay pa ng pera si Pomoy sa gitna ng parada. 

Hindi man nanalo sa "AGT," tuloy-tuloy ang blessings kay Pomoy. 

Sa Hunyo ang kick-off ng kaniyang 9-state US tour na magsisimula sa Tampa, Florida at magtatapos sa Agosto sa Washington DC. 

May hirit naman si Pomoy bago ang pag-arangkada ng kaniyang tour. 

"Kailangan ko ng interpreter!" pagbibiro ng singer. 

"Sobrang nakaka-proud sa sarili kasi hindi lang naman mga Pilipino 'yung manonood sa akin, kung hindi mga foreigner din."

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.