Halik: Jacky, inamin kay Jade ang pag-ibig kay Lino

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2019 04:39 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- "Oo, mahal ko ang asawa mo, ang asawa mo na niloloko mo!"

Ito ang matapang at diretsahang pag-amin ni Jacky (Yen Santos) kay Jade (Yam Concepcion) sa pagmamahal niya kay Lino (Jericho Rosales) sa "Halik."

Sa episode ng sikat na serye nitong Martes, nagkaharap ang dalawa nang puntahan ni Jade si Jacky para paaminin tungkol sa totoong nararamdaman nito sa kanyang asawang si Lino.

Matapos aminin ni Jacky ang totoo, nauwi sa sampalan ang kanilang paghaharap.

Bago pa harapin ni Jade si Jacky, una nang sinubukan ng huli na aminin ang pagtingin niya kay Lino, pero hindi sila nagpang-abot bago ito tumulak sa ibang bansa.