Nathalie Hart, may mensahe kay 'Mr. Right'

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2018 09:17 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naging maugong kamakailan ang pangalan ni Nathalie Hart dahil sa mapangahas nitong papel sa pelikulang "Sin Island," kasama sina Xian Lim at Coleen Garcia.

Pero pagdating sa love life, single at available ang bagong binansagang "Bombshell ng Bayan."

Sa panayam ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Hart ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki.

"Sense of humor, my favorite thing is sense of humor. I love eating so gusto ko mahilig kumain iyong tao. Gusto ko mahilig siyang mag-gym."

Tutok ngayon si Hart sa kaniyang trabaho kaya may mensahe ito sa kaniyang "Mr. Right."

"Maghintay ka lang diyan, medyo busy ako, but you can bring me lots of food and flowers," sabi ni Hart.

Labing-anim na taong gulang pa lang si Hart nang ilunsad bilang bahagi ng Star Magic Batch 16, kasabay sina Enrique Gil at Guji Lorenzana. 

Gamit pa noon ni Hart ang kaniyang tunay na pangalang Princess Tinkerbell Snell.

Noong una ay pa-ekstra-ekstra si Hart sa mga proyekto at sumali sa isang talent search hanggang sa nagsimula na siyang lumabas sa mga pelikula.

"From pa-sweet to indie [movies] na really wild... I guess siguro that's why they called me a sexy bomba star... Parang bombshell na lang, puwede? Or sexy actress," ani Hart.

"Siguro I think I had to do those kind of films and I had to start somewhere for me to go here," aniya.

Gaya ng kaniyang mga ginagampanang karakter, palaban din sa tunay na buhay si Hart.

"There's a lot of struggles in my life na nangyari na parang pag mag-isa ka lang at walang tumutulong sa 'yo, you really have to be strong," aniya.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.