'Sagot ko na lahat': Coco Martin, tumulong sa pamilya ng yumaong indie actor | ABS-CBN
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Showbiz
'Sagot ko na lahat': Coco Martin, tumulong sa pamilya ng yumaong indie actor

ABS-CBN News
Published Feb 26, 2019 12:21 PM PHT
|
Updated Feb 26, 2019 04:34 PM PHT
MANILA -- Bumisita si Coco Martin sa burol ng yumaong indie actor na si Kristofer King nitong Lunes ng gabi sa Pasay City.

Nagkasama ang dalawa sa mga pelikulang "Masahista" at "Serbis."

Kasama ng bida ng "FPJ's Ang Probinsyano" ang direktor na si Brillante Mendoza sa burol, kung saan nakausap niya ang misis ni Kristofer na si Joan Alegre Reyes.

Sa interview ng Pep.ph, ibinahagi ni Joan na inako na ni Coco ang lahat ng gastusin para sa kanyang yumaong mister.

ADVERTISEMENT
"Tinatanong na niya ako, 'Magkano lahat ang babayaran? Ano ang nangyari? Bakit namatay siya? Bakit biglaan?' Sinabi ko naman lahat-lahat sa kanya. Tapos, sabi niya sa akin, 'Sige, sagot ko na lahat,'" pagbahagi niya.

"Sabi ko sa kanya, 'Buti, nakaharap kita. Kasi, gusto kong humingi ng tulong sa 'yo. Kasi alam ko, pag ikaw, isang pitik lang, OK na.' Sabi niya, 'Okay na. Sige, ako na,'" dagdag ni Joan.

Sa Marso 3 nakatakdang ilibing si Kristofer sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.