Loisa Andalio, selosa nga ba?

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2019 12:33 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Glowing at inspirado si Loisa Andalio nang magpa-interview sa entertainment media para sa bago niyang endorsement.

Hindi itinatago ni Loisa na inspired sila ngayon ng ka-tandem na si Ronnie Alonte sa isa't isa, at positibo ang naidudulot nito sa kanilang trabaho.
 
"Kami ni Ronnie, sobrang naging okay kami sa mga tao. Kasi para sa akin, bakit natin itatago kung ano ang meron tayo, obvious naman at halatang-halata naman e, di ba? Ang pangit naman kung makikita tayo ng mga tao na very sweet tapos hindi naman talaga tayo, parang hindi naman maganda 'yun. Para sa akin, mas okay na nakikita nila tayong sweet. At least alam nila, 'A kaya sila sweet kasi sila,'" aniya.
 
Pagdating sa issue ng pagseselos, nilinaw ni Loisa na nasa lugar naman ang pagseselos niya.
 
"Lahat naman siguro ng may jowa selosa, pero depende kung kanino ka magseselos. Pero kasi di ba, hindi ka naman magseselos kung wala ka naman dapat na ipagselos? Dapat bilang may jowa, alam dapat natin kung ano ang limit natin para walang magseselos at masasaktan," ani Loisa.
 
Nilinaw din ni Loisa ang kumalat na bali-balita na diumano nag-walk out si Angel Locsin sa set ng kanilang teleseryeng "The General's Daughter."

"Sobrang okay kaming lahat sa set, as in lahat [ng] mga artista, direktor, sobrang okay talaga. Kaya nagulat ako noong nakita ko 'yun. Wala, wala. Si ate Angel sobrang bait niya as in sobrang haba ng pasensiya niya. Sa pagkakakilala ko sa kanila, parang hindi gagawin ni ate Angel 'yun," paliwanag niya.
 
Gabi-gabi napapanood si Loisa sa "The General's Daughter" bilang Claire del Fiejo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.