Paano nabuo ang bagong single ng Mayonnaise na 'Kumander'

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2020 12:00 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Isang bagong awitin ang inilabas ng bandang Mayonnaise.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Martes, nagbahagi ang banda ng ilang detalye sa pinakabago nilang single na "Kumander." 

Ayon kay Monty Macalino, bokalista ng grupo, nagsimula ang kanilang bagong awitin sa isang hamon.

"Nag-guest kami sa show ni Mr. Jungee Marcelo at isa sa challenges na binigay niya sa amin ay makasulat kami ng isang kanta na kukuha siya sa libro ng five random words at isa roon 'yung salitang kumander. Sakto rin 'yung ibang salita tulad ng bahay, nito at kung ano-ano pa tungkol sa pagkakaroon ng isang kumander, which is kung sino ang mahal mo," kuwento ni Monty.

Available na ang "Kumander" sa iba't ibang digital platforms, dagdag ni Monty.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.