Tony Labrusca, Marco Gumabao nagkwento tungkol sa bagong pelikula kasama si Lovi Poe

ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2020 11:50 AM

MANILA -- Dalawa sa binansagan na sexiest young actors ngayon sina Tony Labrusca at Marco Gumabao.

Silang dalawa ang leading man ni Lovi Poe sa pelikulang “Hindi Tayo Pwede.”

Tungkol sa second chances at bagong simula ang kwento ng pelikula. 

Nang makapanayam sina Tony at Marco, ibinahagi nila ang gagawin sakaling personal na mangyari sa kanila ang naganap sa mga karakter nila sa pelikula.

“For me, binigyan ka na nga ng second chance to love 'yung tao na nawala sa iyo. Ako, for me, hindi ko sasayangin ‘yun,” ani Tony.

“Everyone may think na, ‘Uy bagay kayo maging kayo.’ Pero hindi pa rin. It really happens and it’s sad kasi minsan hindi mo ma-accept,” sabi naman ni Marco. 

Maraming sexy scenes sa kabuuan ng pelikula. Ayon kay Tony, marami ang nagtutulong-tulong para mapaganda ang mga ito.

“When we do these scenes, ang daming tao sa paligid namin. May camera, nandoon si direk. Kapag nakikita niyo ako sa screen, parang magic na but there’s a lot of hard work put into it,” sabi ni Tony.

“Kabadong kabado talaga ako. Hindi talaga ako ready. When you get to the set, nandoon siyempre 'yung awkwardness at first pero after you do the scene, after that first take, it vanishes,” dagdag naman ni Marco.

Ipapalabas ang “Hindi Tayo Pwede” sa Marso 4. -- Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Watch more in iWant or TFC.tv