Ivana Alawi inaming na-trauma sa panloloko ng ex

ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2020 01:20 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi) on


Marami ang nabibighani sa kagandahan ni Ivana Alawi, na itinuturing na bagong pantasya ng bayan. Dahil dito, marami rin ang nagtataka kung bakit single ang naturang aktres.

Sa programang “Gandang Gabi Vice,” inamin ni Alawi, 23, na kaya single pa rin siya hanggang ngayon ay dahil sa trauma na dulot ng panloloko ng dati niyang nobyo.

“Feeling ko sa ex ko. Niloko ako,” anang aktres nang tanungin kung bakit siya single.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nasaktan daw siya nang malaman marami silang mga babae ang pinagsabay-sabay na makarelasyon ng ex niya.

“Hindi lang two-time. Three times, four times. Ang dami kasing mga babaeng biglang nagsulputan na,” kuwento ni Alawi.

“Ang dami pala namin pero ako raw ‘yong pinakamahal niya, ‘yon daw ang importante. [Ang] sakit talaga,” dagdag niya.

Tungkol naman sa mga tipo niyang lalaki, ipinaliwanag ni Alawi na hindi siya mahilig sa mga sobrang gwapo.

“Para wala akong kaagaw. Alam mo ‘yon, akin ka lang,” aniya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi) on

Muli ring inihayag ng aktres na crush niya si Coco Martin, na nakasama niya noon sa “Ang Probinsyano.”

Unang nakilala si Alawi sa seryeng “Sino Ang Maysala?” kasama sina Jodi Santamaria, Bela Padilla, Tony Padilla, at Kit Thompson.

Nakatakdang bumida si Alawi sa seryeng “Ang Lihim ni Ligaya,” kung saan makakasama niya muli si Thompson.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.