PANOORIN: ‘The Voice US’ finalist Jej Vinson naka-jam ang ilang Kapamilya singer

ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2020 02:09 PM | Updated as of Feb 23 2020 02:32 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Matapos magpabilib sa ibang bansa, mga kababayan naman dito sa Pilipinas ang pinahanga ni Jej Vinson, ang Filipino singer na naging finalist sa American version ng “The Voice” noong nakaraang taon.

Naka-jam ni Vinson ngayong Linggo sa “ASAP” stage ang ibang local soul at R&B singer na sina Jay R, Jason Dy, Lucas Garcia, Morissette Amon, Klarisse de Guzman, at Elaine Duran.

OPM ang tema ng mga inawit ng grupo, kasama ang “So Slow” ng Freestyle, “Rainbow” ng South Border, at “Jealous” at “Someday” ni Nina.

Noong nakaraang taon, naging bahagi si Vinson ng Top 13 ng “The Voice” sa Amerika, kung saan naging miyembro siya ng team ni Kelly Clarkson. Natapos ang kaniyang laban nang mabigong makapasok sa Top 8.

Dati na ring nakasama ni Vinson si Amon sa “ASAP” stage nang magtanghal ang programa sa San Francisco, California sa Amerika.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.