Juday, may alam ba sa secret wedding nina Sarah at Matteo?

ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2020 06:38 PM | Updated as of Feb 24 2020 12:13 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Sa gitna ng kontrobersiya na hinarap ng kasalan nila Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, patuloy na bumubuhos ang well wishes para sa celebrity couple, mula sa kanilang mga katrabaho, kaibigan, at fans. 

Ang mga nakasama ni Geronimo noong nagsisimula pa lang siya tulad nina Rachelle Ann Go, Mark Bautista, at Christian Bautista, kani-kanilang post para batiin ang Popstar Royalty.

Hindi rin nagpahuli sina Bianca Gonzalez at DJ Cha Cha na inihayag ang suporta sa newlyweds.

Pero bago pa man maganap ang kasalan noong Huwebes, nahingan naman ng reaksyon ang itinuturing na ate ni Geronimo na si Judy Ann Santos.

"Ano ba nangyayare? Ako naghihintay lang ako beh ha. Mahina ba signal mo? Basta text text. Maghihintay lang kami dito," ani Santos nang tanungin kung may alam siya sa kasalan.

Marami rin ang nagbigay ng opinyon sa di umano'y pagpigil ng nanay ni Geronimo na si Mommy Divine sa civil wedding.

Hindi man sang-ayon ang ilan pero ang iba, ramdam ang pinagdadanan ng ina.

Sa huli, hangad ng lahat ang kasiyahan ng bagong mag-asawa.—Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.