‘Wala kaming alam’: Lea Salonga masaya sa kasalang Sarah-Matteo

ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2020 07:29 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Gaya ng marami, nagulantang ang singer na si Lea Salonga sa balitang kasal na ang kaniyang kapwa "The Voice" coach na si Sarah Geronimo sa kasintahang si Matteo Guidicelli sa isang "secret wedding" ceremony.

"I am shocked. None of us knew. None of us from the show, from the network, but I'm happy for her," ani Salonga na katrabaho ni Geronimo sa "The Voice: Kids."

Huwebes nang gabi nangyari ang kasalan sa Shangri-La Fort sa Bonifacio Global City, at bago pa ang kasal, nasa taping ng "The Voice" si Geronimo bago umalis ng pasilidad nang walang kasama.

Nagulat din si Salonga na naitaguyod ang secret wedding.

"To be able to pull that off, that's a feat. That is a crowning achievement, na they knew who to trust. He really loves her," ani Salonga.

Bukod kay Salonga, nagbunyi rin ang ilang celebrities sa kasal ng dalawa, na anim na taon nang magkasintahan.

Pero may ilang hindi nagpatigil sa pagbibigay ng kanilang saloobin sa balitang nauwi sa suntukan ang kasal.

Kasabay ng pagtanggi sa nangyaring suntukan, nagpasalamat si Guidicelli sa mga bumati sa kanila ng kaniyang bagong asawa.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.