Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, ikinasal na

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2020 03:37 PM

MANILA – Ikinasal na ang “Pop Star Princess” na si Sarah Geronimo sa aktor na si Matteo Guidicelli matapos ang anim na taon bilang magkasintahan.

Nagpakasal ang dalawa sa Taguig noong Huwebes ng gabi sa isang sa civil ceremony, ayon sa isang source ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe. 

Unang kinumpirma nina Sarah, 31, at Matteo, 29, ang kanilang engagement noong Nobyembre 2019. 

Sa kabila ng masayang okasyon, napabalita namang nagkaroon ng gulo sa pagitan ni Matteo at isa sa miyembro ng security ni Sarah. 

Ayon sa close-in security detail ni Sarah na si Jerry Tamara, sinuntok daw siya ni Matteo nang mapagbintangan siyang nagsumbong sa nanay ni Sarah tungkol sa kasal.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.